Umuulan ng Libro: Ano ang paborito mong libro?

7173_10151583309642670_1554565051_n

Bilang paglahok sa NCBD 2015 Blog Tour, ibinabahagi ko ang isa sa mga paborito kong libro para sa mga bata – Hipon at Biya na isinulat ni Carla Pacis at iginuhit ni Joanne de Leon.

Bago mo basahin ang aking sagot, alam mo ba ang ibig sabihin ng #hugot (Oo, kasama talaga sa pagbasa ang salitang hashtag)? Kung hindi, pakigamit muna ang iyong talento sa paggamit ng Google sapagkat hindi buo ang blog post na ito kung hindi mo ito alam.

Bakit Hipon at Biya?

Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan agad ang librong ito noong una ko itong binasa. Masyadong seryoso. Masyadong mahaba. Paano ko ikukuwento? Baka mainip ang mga bata. Paglipas ng pitong taon (yes, pitong taon!), nakita ko ulit ang librong ito. Kasama siya sa bag ng mga donasyon para sa mga estudyante ko. Sige, sabi ko sa sarili ko, one more chance – baka sakali lang na magustuhan nila ito.

10501738_10152581883452670_3794960846807295926_n

Hugot #1: Buti na lang pala at naniniwala ako sa second chances.

Isa ito sa mga kuwentong nagsimula ng talakayang napakalalim sa aking klase sa ikatlong baitang. Ang kwento ni Hipon at Biya ay tungkol sa dalawang kaibigang lubos na magkaiba ngunit tinutulungan ang bawat isa. Masaya ang kanilang samahan. Sa panahong ito, sila ang matatawag mo na mag-BFF. Pero dumating ang isang araw na tila ba pagod na pagod na sila sa isa’t isa. Ang mga bagay na kinatuwaan nila sa isa’t isa ay naging sanhi din ng pagkainis at pagkabugnot nila. At dahil dito, naghiwalay ang dalawang magkaibigan. Pero dahil siguro ito’y aklat pambata, nagkabati pa din sila sa hulihan.

Simple lamang naman ang mga punto ko sana sa talakayan:
1. Minsan kahit magkaibigan ay nag-aaway pa rin ngunit may paraan para magkaayusan.
2.  Minsan kapag tayo ay galit, nailalabas natin ito sa ibang tao.
3. At dahil ang aralin sa science noon ay tungkol sa mga hayop, nais kong ipakita kung paano nagtutulungan ang mga hayop sa isang ecosystem.

Ang hindi ko inaasahan ay ang mga naging katanungan at opinyon nila habang binabasa namin ang kuwento.

Hugot #2: “Ma’am, alam naman ni Hipon yung kulang kay Biya, bakit kinukulit pa din niya?”

Hugot #3: “Ma’am, nakakatakot naman maging mag-isa.” (Dahil naging mapanganib ang buhay ni Hipon noong umalis si Biya.)

Hugot #4: “Ma’am, sa bahay naman hindi rin laging masaya pero ganoon talaga.”

Hugot #5: “Ma’am, parang ganyan ang mama at papa ko pero hindi na sila nagkabalikan.” (Wala daw ba talagang forever?)

At tulad ng pag-ayaw ko sa librong it noong una, hindi ko rin gusto ang salitang #hugot. Pero naniniwala ako na ang mga bagay ay nangyayari sa kinaukulang oras – Dumating ang librong ito sa tamang panahon sa aming mga buhay. Ang kuwentong ito ay nagbigay ng isang magandang karanasan para sa paglalakbay ng aking klase sa ikatlong baiting. At dahil sila ay nabibilang sa “generation hugot” – ang librong ito ay naging daan upang mas maunawaan ko ang mga nasa puso at isipan nila.

Advertisements

One thought on “Umuulan ng Libro: Ano ang paborito mong libro?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s